Brigada Eskwela sa DANHS, Umarangkada!

Umarangkada ngayong araw ang bayanihan para sa Brigada Eskwela ng Doña Aurora National High School para sa S.Y 2021-2022 na may temang “Bayanihan sa Paaralan.”

Alinsunod ito sa Department of Education Memo 48, s. 2021 na may titulong “2021 Brigada Eskwela Implementing Guidelines” na ipatutupad mula Agosto 3 hanggang Setyembre 30, 2021.

Ayon kay Officer in-charge Rodrigo V. Pascua, ang Brigada Eskwela ang panahon ng pagtutulungan at pakikipagkaisa sa mga gawain ng paaralan upang masiguro at maipagpatuloy ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon sa gitna ng nararanasang pandemya.

Bilang pagsunod sa mga health protocols, ang mga guro at mga interesadong tumulong na stakeholders ay pinangkat at nabigyan ng kanya-kanyang iskedyul para sa pagrereport sa paaralan upang isagawa ang mga aktibidades na akma sa Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP).

Kasama ang mga opisyales ng General PTA , mga volunteers mula sa Kabalikat Civicom-Aurora at San Manuel chapters at mga guro, isinagawa ngayong araw ang pag-iimbentaryo at pagsaaayos sa mga Self Learning Modules (SLMs) at Learning Activity Sheets (LAS).

Leave a comment

Website Powered by WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started