Bayanihan, nangibabaw sa ika-2 araw ng Brigada Eskwela

Nangibabaw ang bayanihan sa ikalawang araw ng Brigada Eskwela matapos na umabot sa 70 bahagdan ng kopya ng mga SLM’s para sa mga mag aaral ng Grade 7 at 8 ang naiayos at naihanda ng mga guro sa mga nasabing antas at mga ilang stakeholders na tumulong sa gawaing ito.

Ikinunsidera sa gawaing ito ang health protocols kung saan hiwa-hiwalay na inilagak sa iba’t ibang silid-aralan ang mga SLM’s upang mapanatili ang social distancing habang isinasagawa ang naturang pagsasaayos at paghahanda sa mga ito.

Pinangasiwaan ni G. Ferdinand G. Del Rosario, Head Teacher III at Brigada Eskwela Coordinator ang naturang aktibidades at sa pamamatnubay ni Dr. Rodrigo V. Pascua, Chief Education Supervisor at Officer In- Charge ng Doña Aurora National High School.

Leave a comment

Website Powered by WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started