Tiniyak ni Chief Education Supervisor at Officer In-charge Dr. Rodrigo V. Pascua, na magiging handa ang mga SLMs na gagamitin sa darating na pasukan kung kaya’t inatasan niya ang mga guro sa Group B sa ikatlong araw ng Brigada Eskwela na magsimula na ring ihanda at isaayos ang mga gagamiting Self Learning Modules/Learning Activity Sheets ng mga mag-aaral sa Grade 9 at 10.
Ipinagpatuloy naman ng mga naatasang guro sa Group A ang paghahanda at pagsasaayos ng mga SLMs/LAS para sa Grade 7 at 8.
Nagsagawa rin ng disinfection sa buong kampus ang mga ilang stakeholders at mga kalalakihang guro upang matiyak ang kaligtasan ng mga gurong papasok sa pagsisimula ng klase.
Kabilang sa mga nakibayanihan ngayong araw ang mga miyembro ng LGBT Community sa pangunguna ng kanilang tagapangulo na si Randy Perez at PTA Officers sa pangunguna ni Gng. Dulce C. Saguibo, PTA President.








Leave a comment