Umabot sa 20,000 piso ang ipinaabot na donasyon mula sa labing- isang stakeholders sa ikaapat na araw ng bayanihan sa Dona Aurora National high School.
Kabilang sa mga nagpaabot ng tulong pinansiyal sina Jimson at Laarni Tan, Aurora Teachers Credit Cooperative (ATCC), DANHS MPC, Salvador Nacionales, Gweneth R. Brillo, Diony Dante, Jenny Carino, Architect & Gng. Venelo Taguinod, Glecy Laud, Dulce Saguibo at magkapatid na Alvin at Henson Balajadia.
Gagamitin ang nasabing halaga bilang operational expenses sa pagpapatuloy ng isinasagawang Brigada Eskwela.
Ipinagpatuloy rin ng mga gurong kabilang sa Group A at B ang pagsasaayos at paghahanda sa mga Self-Learning modules at Learning Activity Sheets.
Samantala, nakibayanihan naman sa pamamagitan ng paglilinis sa loob ng San Juan Campus ang mga miyembro ng 4P’s ng Aurora at mga opisyales ng Sta. Rita sa pangunguna ni Brgy. Captain Erwin Regal.







Leave a comment