Upang higit na mahasa at malinang pa lalo ang kanilang kaalaman at kakayahan ngayong new normal, dumalo ang mga guro ng Dona Aurora National High School sa iba’t ibang webinars na inorganisa ng Schools Division Office ng Isabela, Agosto 23-27.
Aktibong nakilahok ang mga tagapayo at guro sa Journalism sa limang araw na Division Webinar on Digital Journalism.
Dinaluhan naman ng mga piling guro sa Mathematics ang webinar na may titulong Empowering 21st Century Educators in Teaching and Learning Innovations in Mathematics.
Samantala, upang lalong mahasa ang kanilang kaalaman sa larangan ng research, nakilahok ang ang mga ulong guro ng Math at English at ilang guro sa Science sa tatlong araw na Enhancement Training for the District Research Committee (DRC) Members of SDO Isabela on the Evaluation of Research, August 25-27.
Inaasahan namang ang lahat ng mga guro ng DANHS ay makikiisa sa ikalawang Virtual In-Service Training para sa lahat ng pampublikong guro sa bansa sa darating na linggo.




Leave a comment